Friday, April 9, 2010

isang tula alay sa FAMILIA AQUINO


NAGKATAON LANG BA? O TADHANA NA TALAGA.....



AGOSTO 21 DALAWAMPU'T WALONG TAON NA ANG NAKARARAAN...
ISANG TRAHEDYA SA SA FAMILIA AQUINO ANG DI MALILIMUTAN..
AMA NILANG SI NINOY AY BIGLAANG PINASLANG....
DI ALAM KUNG SINONG PUMASLANG NGUNIT ALAM NILA ANG DAHILAN...


MILYUN-MILYONG TAO NAKIDALAMHATI SA KANILA...
DI MAKAPANIWALA SI CORY SA KANYANG NAKITA...
BYUDA NA SI CORY MGA ANK AY NAULILA SA AMA...
BUONG TAPANG LUMABAN KAY MARCOS PAGTAKBO'Y KANYANG IDINEKLARA....


PEBRERO 26, 1986 NAGKAGULO NA SA EDSA....
HALALAN NOO'Y NAGKAROON NG DAYA....
MARCOS DAW ANG NANALO COMELEC NAGDEKLARA
SA NAMFREL SI CORY ANG PANALO KAYA TAONG BAYAN AY UMALMA...


NAKUHA PANG MAGBIRO NI CORY BAGO MATAPOS ANG TERMINO....
KUMANTA NG " I'LL NEVER RUN AGAIN PANG-SNAP ELECTIONS LANG AKO"...
LUMIPAS ANG ANIM NA TAON CORY AY BUMABA NA...
AT SA SUMUNOD NA PANGULO PWESTO'Y IPINASA.....


LUMIPAS ANG 24 APAT NA TAON TAYO AY NAGULAT ....
SA ISANG BALITA NA TALAGA NAMANG ITO AY NAGPAIYAK...
PUMANAW NA SI TITA CORY SA SAKIT NITONG KANSER..
LAHAT AY NAPAIYAK PATI ANG NAGBABALITANG BROADCASTER...


SA PAGHATID NG PAMILYA NI CORY SA KANYANG HULING HANTUNGAN...
BUONG BANSA'Y NAGDALAMHATI AT ANG IBA'Y NAG-IYAKAN....
"MAHAL KA NAMIN TITA CORY" SIGAW NG TAONG BAYAN....
PATI LANGIT NAKIDALAMHATI SA KANYANG PAGLISAN....


ILANG LINGGO LAMANG ANG NAKALIPAS TAYO'Y NAGULANTANG....
MGA PILIPINONG NAGMAMAHAL SA MAG-ASAWANG AQUINO'Y MAY KAHILINGAN....
NOYNOY AQUINO MAARI KA BANG SUMUNOD SA YAPAK NG MAGULANG MO...
DAPAT MAIBALIK ANG KARANGALAN SA PWESTO NG PANGULO....


TUMUGON SI NOYNOY SA HILING NG KANYANG PILIPINONG MAMAMAYAN....
SA PAGKAPANGULO'Y TATAKBO SA DARATING NA HALALAN...
BUMUHOS ANG SUPORTA NG SAMBAYANANG PILIPINO....
WALA ITONG BAYAD NOYNOY DAHIL ITO'Y GAGAWIN NAMIN NG BUONG PUSO

No comments: