ANO BA ANG TOTOO???
ANG BLOG NA ITO AY KARANIWANG TINATALAKAY AY ANG PULITIKA.... PAG-IBIG AT PERSONAL NA BUHAY NG SUMUSULAT KUNG MAY MGA PROBLEMA O KATANUNGAN MAARI DIN KAYO MAGTANONG WAG LANG TUNGKOL SA MATH DAHIL MAHINA ANG INYONG LINGKOD.... PWEDE RIN ANG SHOWBIZ... BASTA MAY SENSE MAARI KAYONG MAGCOMMENT WAG LANG MAGMUMURA MGA KAPATID... O PERSONALAN NA PANG-IISULTO... ANG BLOG NA ITO AY GINAWA PARA MAGING MAKABULUHAN ANG INYONG ARAW AT HINDI PARA MAMBASTOS NA KAPWA....
Thursday, July 22, 2010
MIKEY MOUSE ANG KAPAL NG MUKA MO!!!!!!!
"BWAYANG PAMILYA!!!!"
Tumakbo ang ina sa pagkasenadora nasa simpleng buhay lang sila;
taong 1998 sinabak ang pagkabise presidente nanalo ang ina;
taong 2001 si Gloria ay naupo sa pagkapangulo;
dahil ang imoral at kurap daw ang dating nasa pinaka makapangyarihang pwesto;
nangako noong 2003 na hindi na tatakbo sa pagkapangulo pero sa akusasyon na ginawa
kay estrada;
isang anak nakapwesto na pala sa loob ng Camara;
ngunit laking gulat ng madla si bruha at tatakbo pa;
mukang napasarap sa pwesto at ayaw ng bumaba;
ngunit di pa dito natatapos ang ating maiksing kwento;
akala ko si Mikey Mouse lang ang tatakbo sa kongreso;
aba'y lintek si Datu Arroyo na bunso humabol pa!!!
nakakalokang isipin pero makalipas ng 3 taon si Iggy Arroyo kumandidato na!!!!
Walang hiyang mga bwaya yan di pa nakuntento;
Gusto pang baguhin ang kontitusyon para tumagal sa pwesto;
ngunit di umubra sa bayan ang gimik nila;
plano nilang pagbabago ng konstitusyon tuluyang naudlot na..
2010 dapat namamahinga na ang pandak at ang daga;
ngunit wala talagang hiya at ang kakapal ng kanilang mga muka;
ang nanay tumakbo bilang congresswoman ng Pampanga;
at ang anak na walang hiya nasa party list na!!!
kapit tuko ang Pamilyang ito...
sobrang kapal talaga ng mga muka nyo....
9 na taong nagpakasasa sa pera ng bayan;
hindi pa nakuntento ang mga p$%^^$^$ kawatan!!!
Sunday, June 27, 2010
SA PAPALAPIT NA INAGURASYON SANA AY MAGKAISA NA ANG PILIPINAS..... PERO SA NAKIKITA KO MUKANG MALABO MANGYARI
"SIKUHAN SA PWESTO...."
SA NALALAPIT NA INAGURASYON SANA TAYO AY MAGKASUNDO;
NGUNIT SA NANGYAYARI NGAYON PAANO?
DAHIL HANGGA'T NAGKAKAROON TAYO NG PERSONALITY BASED POLITICS;
MAGKAKAROON PA RIN NG DISKRIMINASYON AT INGIT;
NALAMAN KO SA ISA KONG MGA KAIBIGAN;
SA LOOB NG KAMPO AY NAGSISIKUHAN;
KAHIT NA MALAKI ANG NAITULONG MO SA PANGULO;
BASTA HINDI KA KAALYADO SORRY KA PARE KO...
YAN NA NGA BA ANG KINAKATAKOT KO NA MANGYARI;
KAHIT MAY KAKAYAHAN KA AY BASTA KALABAN BABAY NA BABY....
KAHIT NA TANGA KA BASTA'T KAKAMPI KA AY MAY PWESTO;
YAN BA ANG SINASABI NILANG PAGBABAGO?
NAAWA AKO SA MGA TAONG MAY KAKAYAHAN NA GUMAWA NG TAMA;
BASTA SA KALABAN KA ANG TINGIN SAYO AY ESPIYA;
PERO ISA LANG ANG BAGAY NA ALAM KO....
WALANG LIHIM ANG MATAGAL NA NAITATAGO....
Monday, June 14, 2010
ITO ANG SAGOT KO SA SINABI NI GINOONG DULAY SA ISYU NG DAGDAG 2 TAON SA ESKWELA..
"MAKAKAGRADWEYT PA KAYA??"
KUNG TAYO AY MAGDADAGDAG NG 2 TAON SA ESKWELA...
MAKAKAPAGTAPOS PA KAYA ANG MGA BATA...
ALAM NAMAN NATIN SA HIRAP NG BUHAY...
LAHAT AY GAGAWIN MAKAPAGTAPOS LANG KAHIT LAMANG ANG PANGANAY...
SA GINAWANG PROPOSAL SA EDUKASYON MALAMANG WALA NG MAKATUNGTONG SA KOLEHIYO..
DAHIL SA HIRAP NG BUHAY MAPIPILITAN ANG MAGULANG NA MAGPAHINTO...
BUTI SANA KUNG ANG LAHAT NG MAGULANG AY PINALAD NA MAGKAROON NA SKOLAR NA ANAK...
MAPALAD SILA DAHIL MAKIKITA NILA NA MAGTAPOS ANG ANAK KAHIT SA HAYSKUL LANG...
SA 100 PAPASOK SA ESKWELA SA ELEMENTARYA....
10 LAMANG ANG NAKAKAPAGTAPOS SA KANILA....
AT SA HAYSKUL 3 LANG ANG MAKAKAPAGTAPOS...
SA KOLEHIYO DI PA ALAM KUNG MAKAKATUNGTONG DAHIL PERA AY KAPOS...
ANG TUNAY NA KAILANGAN NATIN SA ATING PAARALAN...
MAHUHUSAY NA GURO AT MAAYOS NA SILID ARALAN....
DAHIL PAANO MATUTUTO ANG MGA ESTUDYANTE...
KUNG ANG MAG-AARAL AY PARANG SARDINAS SA DAMI...
SA PARTE NAMAN NG ATING NG GURO...
MARAMI TAYONG MAHUSAY AT MAGALING MAGTURO...
PERO BAKIT MAS PINIPILI NILANG MANGIBANG BAYAN....
KASI NAMAN ANG SAHOD NILA KUNG HINDI DELAY KULANG NAMAN....
SA ATING SUSUNOD NA GOBYERNONG UUPO...
ITO LANG SANA PO ANG HILING KO SA INYO....
ANG PONDO NG EDUKASYON SANA AY BUSISIIN....
DAHIL ANG MGA KAWATAN AY NASA ATING PALIGID...
KUNG ANG NOODLES NA BENTE DOS PESOS AY DI GINASTUSAN...
MARAMI SIGURO TAYONG NAPATAYONG SILID ARALAN....
AT KUNG ANG DEP ED AY MAAYOS LANG ANG PAMAMALAKAD...
ANG MGA GURO NATIN SANA AY DI NA NANGINGIBANG BAYAN....
Sunday, June 13, 2010
ALAY KO ANG TULANG ITO SA ATING MGA BAGONG BAYANI..... ANG MGA OFW....
"TUNAY NA KALAGAYAN"
OFW... MARAHIL SA IBA AY KAY SARAP PAKINGGAN;
NGUNIT DI LANG ALAM NG IBA ANG TUNAY NILANG KALAGAYAN...
MALAKING SAKRIPISYO ANG KANILANG GINAGAWA;
PARA BUHAY NG PAMILYA DITO AY GUMINHAWA...
MARAMING PROBLEMA ANG KANILANG KINAKAHARAP PAGDATING SA IBANG BANSA...
PANLALAIT PANG-AABUSO AT KUNG ANU ANO PA...
TINITIIS NILA ITO KAHIT IKAWALA SA SARILI DAHIL SA LUBOS NA KALUNGKUTAN;
MAKAPAG-IPON AT MAKAPAGPADALA LAMANG SA KANILANG MINAMAHAL....
ANG MASAKLAP PA SA KATOTOHANANG ITO;
ANG MGA BWAYA SA GOBYERNO AY KUMIKITA RIN DITO....
DAHIL SA BAWAT PADALA SA KANILANG MGA PAMILYA...
SARI-SARING KALATAS ANG GINAGAWA SA KANILANG PADALA....
MGA WALANGHIYA RIN ANG ILANG AMBASADOR DOON...
SARILI NILANG KABABAYAN PINABABAYAANG MAMATAY O KAYA AY MAKULONG...
ANG ISA PANG MASAKIT NA KATOTOHANAN AY HULI NANG MALALAMAN NG PAMILYA...
ANG KANILANG MAHAL SA BUHAY SA ABROD AY NAMATAY O NAHATULAN NA NG BITAY...
ANG NANGYAYARI SA MGA OFW SA IBANG BANSA AY TUNAY NA NAKAKABAHALA;
DAHIL ANG BINABALITA DITO SA ATIN AY 10 PORSYENTO LANG NG NANGYAYARI SA KANILA...
KUNG ALAM LANG NG ATING PAMAHALAAN NA ARAW ARAW AY NASESENTENSYAHAN O PINAPATAY;
SANA'Y GUMAWA SILA NG PARAAN AT SOLUSYON PARA NAMAN ANG ATING MGA KABABAYAN AY DI NA MAKARANAS SA IBANG BANSA NG MAPAIT NA BUHAY...
ANG TULANG ITO AY LAY KO KAY PRES.CORY AQUINO AT KAY FRANCIS MAGALONA.....
"ANG AKING MGA INSPIRASYON...."
SA INYONG PAGIGING MAKABAYAN.....
AKO SA INYO AY MAY NATUTUNAN....
ANG INSPIRASYON KO AY SILANG DALAWA...
KAYA AKO'Y NAGING ISANG MAKABAYAN AT MAKATA.....
SA PAGPANAW NG HARI NG PINOY RAP NA SI KIKO;
ANG INDUSTRIYA NG MUSIKA AY NANLUMO.....
PANG. CORY SA INYONG PAGKAWALA....
ANG BAYAN AY TALAGANG NAGLUKSA....
ANG DALAWANG HALIGI NG BAYAN AY AKING HINAHANGAAN;
KAYA NAMAN SILA'Y TUNAY NA KAGALANG GALANG;
PANGULONG CORY AT KIKO MAGALONA SA INYO AKO'Y SALUDO...
KAYO ANG TUNAY NA INSPIRASYON NG BAWAT PILIPINO.....
Saturday, June 12, 2010
ANG TULANG ITO AY INIAALAY KO SA MGA FOUNDER AT KASAPI NG GAMMA EPSILON AT GAMMA LAMBDA EPSILON....
"Ang GAMMA EPSILON"
Gabay ang kanilang binibigay sa kanilang kasapi;
Ehemplo nila sa mga myembro'y katangi-tangi;
Maaring isipin ng iba na walang magandang idudulot ang kapatiran;
Mali ang kanilang iniisip dahil ito ang kapatiran na nagbibigay ng aral;
Ang kapatirang ito'y ginagalang sa ibang bayan;
Ehemplo sila ng isang matatag na lipunan;
Palagi nating isaisip ang kanilang pinaglalaban;
Sa kalikasan at ang bayan kanila itong pinahahalagahan....
Ilang kasapi dito ay maipagmamalaki;
Lalong lalo na ang founder na si G. Syd.....
Oo ipinagmamalaki nila ang kapatiran na ito;
Nabuo ang GAMMA EPSILON sa pagsisikap ng mga founder at kasapi nito.....
ANG TULANG ITO AY ALAY KO SA PINAKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN AT KUNG BAKIT SYA NATING DAPAT SUPORTAHAN
"BAKIT SI SYD VASQUEZ??"
BAKIT PINILI KO SI SYD VASQUEZ PARA SUPORTAHAN?
DAHIL NANINIWALA AKO NA MAYKAKAYAHAN SYANG ALAGAAN ANG KALIKASAN...
SYA ANG MAY KAKAYAHAN PARA MAHULI ANG ILLEGAL LOGGERS AT MAPARUSAHAN...
SYA RIN ANG MAY KAALAMAN KAPAG CLIMATE CHANGE ANG PAG-UUSAPAN...
SA ILANG BUWAN NAMING PAG-UUSAP;
MARAMI AKONG ARAL NA NATUTUNAN;
ANG KAHALAGAHAN NG KALIKASAN AY DAPAT NATING MATUTUNAN..
DAHIL ITO'Y PARTE NA NG ATING KALUSUGAN AT KABUHAYAN....
SA BAWAT PUNONG NAWAWALA...
NILALAPIT NATIN ANG ATING BUHAY SA TRAHEDYA...
SA BAWAT NAKAKALBONG KABUNDUKAN...
DALA NITO'Y SAKUNA AT NAWAWALAN ANG MGA HAYUP NG TAHANAN...
SA BAWAT KARAGATANG SINISIRA NG DYNAMITE FISHING...
MILYONG MILYONG ISDA ANG NAWAWALAN NG TAHANAN SA ILALIM...
HINDI BIRO ANG USAPING ITO..
KAYA NAMAN DAPAT ANG MAUPO AY MAY KAALAMAN TUNGKOL DITO...
ANG USAPING CLIMATE CHANGE AY DAPAT DIN SERYOSOHIN...
DAHIL ANG ILANG ISLA NGYON SA ATING BANSA AY KINAKAIN NG KARAGATANG PALALIM NG PALALIM....
KAYA NAMAN SI SYD VASQUEZ AY ATING SUPORTAHAN....
DAHIL SA USAPING ITO MARAMI SYANG NALALAMAN....
Subscribe to:
Posts (Atom)