Sunday, June 13, 2010

ALAY KO ANG TULANG ITO SA ATING MGA BAGONG BAYANI..... ANG MGA OFW....


"TUNAY NA KALAGAYAN"




OFW... MARAHIL SA IBA AY KAY SARAP PAKINGGAN;
NGUNIT DI LANG ALAM NG IBA ANG TUNAY NILANG KALAGAYAN...
MALAKING SAKRIPISYO ANG KANILANG GINAGAWA;
PARA BUHAY NG PAMILYA DITO AY GUMINHAWA...


MARAMING PROBLEMA ANG KANILANG KINAKAHARAP PAGDATING SA IBANG BANSA...
PANLALAIT PANG-AABUSO AT KUNG ANU ANO PA...
TINITIIS NILA ITO KAHIT IKAWALA SA SARILI DAHIL SA LUBOS NA KALUNGKUTAN;
MAKAPAG-IPON AT MAKAPAGPADALA LAMANG SA KANILANG MINAMAHAL....


ANG MASAKLAP PA SA KATOTOHANANG ITO;
ANG MGA BWAYA SA GOBYERNO AY KUMIKITA RIN DITO....
DAHIL SA BAWAT PADALA SA KANILANG MGA PAMILYA...
SARI-SARING KALATAS ANG GINAGAWA SA KANILANG PADALA....


MGA WALANGHIYA RIN ANG ILANG AMBASADOR DOON...
SARILI NILANG KABABAYAN PINABABAYAANG MAMATAY O KAYA AY MAKULONG...
ANG ISA PANG MASAKIT NA KATOTOHANAN AY HULI NANG MALALAMAN NG PAMILYA...
ANG KANILANG MAHAL SA BUHAY SA ABROD AY NAMATAY O NAHATULAN NA NG BITAY...


ANG NANGYAYARI SA MGA OFW SA IBANG BANSA AY TUNAY NA NAKAKABAHALA;
DAHIL ANG BINABALITA DITO SA ATIN AY 10 PORSYENTO LANG NG NANGYAYARI SA KANILA...
KUNG ALAM LANG NG ATING PAMAHALAAN NA ARAW ARAW AY NASESENTENSYAHAN O PINAPATAY;
SANA'Y GUMAWA SILA NG PARAAN AT SOLUSYON PARA NAMAN ANG ATING MGA KABABAYAN AY DI NA MAKARANAS SA IBANG BANSA NG MAPAIT NA BUHAY...