Friday, June 4, 2010

ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN....


"ANG CARPENTERO AY SA BAHAY AT ANG ABUGADO AY SA KASO"





ILANG BESES BA NATIN DAPAT IPALIWANAG SA TAO;
ANG BAWAT PUNTO NG USAPING ITO;
KUNG TAYO AY MAGHAHANAP NG EMPLEYADO;
DAPAT MAY KARANASAN ITO SA LARANGAN NG TRABAHO NA TATAHAKIN NITO....


BAKIT BA DI NYO MAKUHA ANG IBIG SABIHIN NG AKING TULA;
KAILANGAN PA BA AKO'Y MAGSALITA NG DERETSAHAN AT MAKASAKIT PA?
KUNG KAYO MAAYOS ANG PAG-IISIP NYO....
BAKIT NYO ITATALAGA ANG TAO SA LARANGAN NA DI NAMAN URI NG KANYANG TRABAHO...


HALIMBAWA NA LANG SA PAGGAWA NG BATAS;
DAPAT JAN AY TAONG MAY ALAM SA GANYANG LANDAS...
NGUNIT ANG HIRAP SA IBANG TAO SA LOOB NG GRUPO...
GUSTO NILANG ITALAGA SA HUSTISYA AY ISANG INHINYERO?


AYOKONG MAGSALITA NG DERETSO SA MGA SINASABI KO;
DAHIL ALAM KO NA MAY PINAG-ARALAN KAYO;
KAYA SA HULING PAYO KO SA INYO....
ITALAGA NYO ANG NARARAPAT SA TRABAHO.....

No comments: