Monday, June 14, 2010

ITO ANG SAGOT KO SA SINABI NI GINOONG DULAY SA ISYU NG DAGDAG 2 TAON SA ESKWELA..


"MAKAKAGRADWEYT PA KAYA??"





KUNG TAYO AY MAGDADAGDAG NG 2 TAON SA ESKWELA...
MAKAKAPAGTAPOS PA KAYA ANG MGA BATA...
ALAM NAMAN NATIN SA HIRAP NG BUHAY...
LAHAT AY GAGAWIN MAKAPAGTAPOS LANG KAHIT LAMANG ANG PANGANAY...


SA GINAWANG PROPOSAL SA EDUKASYON MALAMANG WALA NG MAKATUNGTONG SA KOLEHIYO..
DAHIL SA HIRAP NG BUHAY MAPIPILITAN ANG MAGULANG NA MAGPAHINTO...
BUTI SANA KUNG ANG LAHAT NG MAGULANG AY PINALAD NA MAGKAROON NA SKOLAR NA ANAK...
MAPALAD SILA DAHIL MAKIKITA NILA NA MAGTAPOS ANG ANAK KAHIT SA HAYSKUL LANG...



SA 100 PAPASOK SA ESKWELA SA ELEMENTARYA....
10 LAMANG ANG NAKAKAPAGTAPOS SA KANILA....
AT SA HAYSKUL 3 LANG ANG MAKAKAPAGTAPOS...
SA KOLEHIYO DI PA ALAM KUNG MAKAKATUNGTONG DAHIL PERA AY KAPOS...


ANG TUNAY NA KAILANGAN NATIN SA ATING PAARALAN...
MAHUHUSAY NA GURO AT MAAYOS NA SILID ARALAN....
DAHIL PAANO MATUTUTO ANG MGA ESTUDYANTE...
KUNG ANG MAG-AARAL AY PARANG SARDINAS SA DAMI...


SA PARTE NAMAN NG ATING NG GURO...
MARAMI TAYONG MAHUSAY AT MAGALING MAGTURO...
PERO BAKIT MAS PINIPILI NILANG MANGIBANG BAYAN....
KASI NAMAN ANG SAHOD NILA KUNG HINDI DELAY KULANG NAMAN....


SA ATING SUSUNOD NA GOBYERNONG UUPO...
ITO LANG SANA PO ANG HILING KO SA INYO....
ANG PONDO NG EDUKASYON SANA AY BUSISIIN....
DAHIL ANG MGA KAWATAN AY NASA ATING PALIGID...


KUNG ANG NOODLES NA BENTE DOS PESOS AY DI GINASTUSAN...
MARAMI SIGURO TAYONG NAPATAYONG SILID ARALAN....
AT KUNG ANG DEP ED AY MAAYOS LANG ANG PAMAMALAKAD...
ANG MGA GURO NATIN SANA AY DI NA NANGINGIBANG BAYAN....