Thursday, June 3, 2010

SA SUSUNOD NA PANGULO SANA'Y MAPAGTUUNAN NYO NG PANSIN ANG KALIKASAN...


"NANG DAHIL SA KAPABAYAAN BUHAY ANG NAGING KABAYARAN"




PUTOL DITO, PUTOL DOON MGA PUNO SA KAGUBATAN AY NAUUBOS;
DI BA NILA ALAM NA ANG DULOT NITO SA ATIN AY MALAKING UNOS?
BAKIT KO ITO NASABI SAHIL ITO ANG KATOTOHANAN;
PINAPATAY NATIN ANG ATING KALIKASAN....


ILANG MAPINSALANG BAGYO AT BAHA NA BA ANG NAGDAAN?
ILANG BUHAY NA BA ANG NAWALA AT DI PA RIN TAYO NATATAUHAN;
SIGURO SA IBANG MAMABABATAS ITO AY MABABAW NA ISYU;
NGUNIT DI NILA NAKIKITA O PANSIN NA DAHIL SA "CLIMATE CHANGE" KAKAIBANG LAKAS NG MGA BAGYO?


ANG ATING GOBYERNO AY MAYROONG NGANG MGA BATAS;
NGUNIT BAKIT ANG MGA LUMALABAG DITO AY PALAGING NAKAKATAKAS;
MARAHIL MINAMALIIT NILA ANG BATAS NA SILA ANG MISMONG GUMAWA;
NGUNIT WAG NILA ANTAYIN ANG BATAS NG KALIKASAN ANG HUMUSGA!!!!!!


IKA-26 NG SETYEMBRE 2009 ATING BALIKAN;
DELUBYO ANG INABOT NG MARAMING BAYAN;
"FLASH FLOOD" NA LAMPAS TAO ATING NASAKSIHAN;
1000 MAHIGIT NA TAO ANG PUMANAW DAHIL SA ATING KAPABAYAAN......


ITO ANG ISA SA DAPAT PAGTUUNAN NG ATING GOBYERNO;
KUNG PAANO MAIIWASANG MAULIT ANG TRAHEDYA NA ITO;
DAHIL KUNG ITO AY IPAGWAWALANG BAHALA AT PABABAYAAN;
LIBO LIBONG PAMILYA ANG MAGLULUKSA ULIT AT MAAPEKTUHAN.......

No comments: