Sunday, June 27, 2010

SA PAPALAPIT NA INAGURASYON SANA AY MAGKAISA NA ANG PILIPINAS..... PERO SA NAKIKITA KO MUKANG MALABO MANGYARI


"SIKUHAN SA PWESTO...."



SA NALALAPIT NA INAGURASYON SANA TAYO AY MAGKASUNDO;
NGUNIT SA NANGYAYARI NGAYON PAANO?
DAHIL HANGGA'T NAGKAKAROON TAYO NG PERSONALITY BASED POLITICS;
MAGKAKAROON PA RIN NG DISKRIMINASYON AT INGIT;


NALAMAN KO SA ISA KONG MGA KAIBIGAN;
SA LOOB NG KAMPO AY NAGSISIKUHAN;
KAHIT NA MALAKI ANG NAITULONG MO SA PANGULO;
BASTA HINDI KA KAALYADO SORRY KA PARE KO...


YAN NA NGA BA ANG KINAKATAKOT KO NA MANGYARI;
KAHIT MAY KAKAYAHAN KA AY BASTA KALABAN BABAY NA BABY....
KAHIT NA TANGA KA BASTA'T KAKAMPI KA AY MAY PWESTO;
YAN BA ANG SINASABI NILANG PAGBABAGO?


NAAWA AKO SA MGA TAONG MAY KAKAYAHAN NA GUMAWA NG TAMA;
BASTA SA KALABAN KA ANG TINGIN SAYO AY ESPIYA;
PERO ISA LANG ANG BAGAY NA ALAM KO....
WALANG LIHIM ANG MATAGAL NA NAITATAGO....

Monday, June 14, 2010

ITO ANG SAGOT KO SA SINABI NI GINOONG DULAY SA ISYU NG DAGDAG 2 TAON SA ESKWELA..


"MAKAKAGRADWEYT PA KAYA??"





KUNG TAYO AY MAGDADAGDAG NG 2 TAON SA ESKWELA...
MAKAKAPAGTAPOS PA KAYA ANG MGA BATA...
ALAM NAMAN NATIN SA HIRAP NG BUHAY...
LAHAT AY GAGAWIN MAKAPAGTAPOS LANG KAHIT LAMANG ANG PANGANAY...


SA GINAWANG PROPOSAL SA EDUKASYON MALAMANG WALA NG MAKATUNGTONG SA KOLEHIYO..
DAHIL SA HIRAP NG BUHAY MAPIPILITAN ANG MAGULANG NA MAGPAHINTO...
BUTI SANA KUNG ANG LAHAT NG MAGULANG AY PINALAD NA MAGKAROON NA SKOLAR NA ANAK...
MAPALAD SILA DAHIL MAKIKITA NILA NA MAGTAPOS ANG ANAK KAHIT SA HAYSKUL LANG...



SA 100 PAPASOK SA ESKWELA SA ELEMENTARYA....
10 LAMANG ANG NAKAKAPAGTAPOS SA KANILA....
AT SA HAYSKUL 3 LANG ANG MAKAKAPAGTAPOS...
SA KOLEHIYO DI PA ALAM KUNG MAKAKATUNGTONG DAHIL PERA AY KAPOS...


ANG TUNAY NA KAILANGAN NATIN SA ATING PAARALAN...
MAHUHUSAY NA GURO AT MAAYOS NA SILID ARALAN....
DAHIL PAANO MATUTUTO ANG MGA ESTUDYANTE...
KUNG ANG MAG-AARAL AY PARANG SARDINAS SA DAMI...


SA PARTE NAMAN NG ATING NG GURO...
MARAMI TAYONG MAHUSAY AT MAGALING MAGTURO...
PERO BAKIT MAS PINIPILI NILANG MANGIBANG BAYAN....
KASI NAMAN ANG SAHOD NILA KUNG HINDI DELAY KULANG NAMAN....


SA ATING SUSUNOD NA GOBYERNONG UUPO...
ITO LANG SANA PO ANG HILING KO SA INYO....
ANG PONDO NG EDUKASYON SANA AY BUSISIIN....
DAHIL ANG MGA KAWATAN AY NASA ATING PALIGID...


KUNG ANG NOODLES NA BENTE DOS PESOS AY DI GINASTUSAN...
MARAMI SIGURO TAYONG NAPATAYONG SILID ARALAN....
AT KUNG ANG DEP ED AY MAAYOS LANG ANG PAMAMALAKAD...
ANG MGA GURO NATIN SANA AY DI NA NANGINGIBANG BAYAN....

Sunday, June 13, 2010

ALAY KO ANG TULANG ITO SA ATING MGA BAGONG BAYANI..... ANG MGA OFW....


"TUNAY NA KALAGAYAN"




OFW... MARAHIL SA IBA AY KAY SARAP PAKINGGAN;
NGUNIT DI LANG ALAM NG IBA ANG TUNAY NILANG KALAGAYAN...
MALAKING SAKRIPISYO ANG KANILANG GINAGAWA;
PARA BUHAY NG PAMILYA DITO AY GUMINHAWA...


MARAMING PROBLEMA ANG KANILANG KINAKAHARAP PAGDATING SA IBANG BANSA...
PANLALAIT PANG-AABUSO AT KUNG ANU ANO PA...
TINITIIS NILA ITO KAHIT IKAWALA SA SARILI DAHIL SA LUBOS NA KALUNGKUTAN;
MAKAPAG-IPON AT MAKAPAGPADALA LAMANG SA KANILANG MINAMAHAL....


ANG MASAKLAP PA SA KATOTOHANANG ITO;
ANG MGA BWAYA SA GOBYERNO AY KUMIKITA RIN DITO....
DAHIL SA BAWAT PADALA SA KANILANG MGA PAMILYA...
SARI-SARING KALATAS ANG GINAGAWA SA KANILANG PADALA....


MGA WALANGHIYA RIN ANG ILANG AMBASADOR DOON...
SARILI NILANG KABABAYAN PINABABAYAANG MAMATAY O KAYA AY MAKULONG...
ANG ISA PANG MASAKIT NA KATOTOHANAN AY HULI NANG MALALAMAN NG PAMILYA...
ANG KANILANG MAHAL SA BUHAY SA ABROD AY NAMATAY O NAHATULAN NA NG BITAY...


ANG NANGYAYARI SA MGA OFW SA IBANG BANSA AY TUNAY NA NAKAKABAHALA;
DAHIL ANG BINABALITA DITO SA ATIN AY 10 PORSYENTO LANG NG NANGYAYARI SA KANILA...
KUNG ALAM LANG NG ATING PAMAHALAAN NA ARAW ARAW AY NASESENTENSYAHAN O PINAPATAY;
SANA'Y GUMAWA SILA NG PARAAN AT SOLUSYON PARA NAMAN ANG ATING MGA KABABAYAN AY DI NA MAKARANAS SA IBANG BANSA NG MAPAIT NA BUHAY...

ANG TULANG ITO AY LAY KO KAY PRES.CORY AQUINO AT KAY FRANCIS MAGALONA.....


"ANG AKING MGA INSPIRASYON...."



SA INYONG PAGIGING MAKABAYAN.....
AKO SA INYO AY MAY NATUTUNAN....
ANG INSPIRASYON KO AY SILANG DALAWA...
KAYA AKO'Y NAGING ISANG MAKABAYAN AT MAKATA.....


SA PAGPANAW NG HARI NG PINOY RAP NA SI KIKO;
ANG INDUSTRIYA NG MUSIKA AY NANLUMO.....
PANG. CORY SA INYONG PAGKAWALA....
ANG BAYAN AY TALAGANG NAGLUKSA....


ANG DALAWANG HALIGI NG BAYAN AY AKING HINAHANGAAN;
KAYA NAMAN SILA'Y TUNAY NA KAGALANG GALANG;
PANGULONG CORY AT KIKO MAGALONA SA INYO AKO'Y SALUDO...
KAYO ANG TUNAY NA INSPIRASYON NG BAWAT PILIPINO.....

Saturday, June 12, 2010

ANG TULANG ITO AY INIAALAY KO SA MGA FOUNDER AT KASAPI NG GAMMA EPSILON AT GAMMA LAMBDA EPSILON....


"Ang GAMMA EPSILON"




Gabay ang kanilang binibigay sa kanilang kasapi;
Ehemplo nila sa mga myembro'y katangi-tangi;
Maaring isipin ng iba na walang magandang idudulot ang kapatiran;
Mali ang kanilang iniisip dahil ito ang kapatiran na nagbibigay ng aral;


Ang kapatirang ito'y ginagalang sa ibang bayan;
Ehemplo sila ng isang matatag na lipunan;
Palagi nating isaisip ang kanilang pinaglalaban;
Sa kalikasan at ang bayan kanila itong pinahahalagahan....


Ilang kasapi dito ay maipagmamalaki;
Lalong lalo na ang founder na si G. Syd.....
Oo ipinagmamalaki nila ang kapatiran na ito;
Nabuo ang GAMMA EPSILON sa pagsisikap ng mga founder at kasapi nito.....

ANG TULANG ITO AY ALAY KO SA PINAKAMAMAHAL KONG KAIBIGAN AT KUNG BAKIT SYA NATING DAPAT SUPORTAHAN


"BAKIT SI SYD VASQUEZ??"


BAKIT PINILI KO SI SYD VASQUEZ PARA SUPORTAHAN?
DAHIL NANINIWALA AKO NA MAYKAKAYAHAN SYANG ALAGAAN ANG KALIKASAN...
SYA ANG MAY KAKAYAHAN PARA MAHULI ANG ILLEGAL LOGGERS AT MAPARUSAHAN...
SYA RIN ANG MAY KAALAMAN KAPAG CLIMATE CHANGE ANG PAG-UUSAPAN...


SA ILANG BUWAN NAMING PAG-UUSAP;
MARAMI AKONG ARAL NA NATUTUNAN;
ANG KAHALAGAHAN NG KALIKASAN AY DAPAT NATING MATUTUNAN..
DAHIL ITO'Y PARTE NA NG ATING KALUSUGAN AT KABUHAYAN....


SA BAWAT PUNONG NAWAWALA...
NILALAPIT NATIN ANG ATING BUHAY SA TRAHEDYA...
SA BAWAT NAKAKALBONG KABUNDUKAN...
DALA NITO'Y SAKUNA AT NAWAWALAN ANG MGA HAYUP NG TAHANAN...


SA BAWAT KARAGATANG SINISIRA NG DYNAMITE FISHING...
MILYONG MILYONG ISDA ANG NAWAWALAN NG TAHANAN SA ILALIM...
HINDI BIRO ANG USAPING ITO..
KAYA NAMAN DAPAT ANG MAUPO AY MAY KAALAMAN TUNGKOL DITO...


ANG USAPING CLIMATE CHANGE AY DAPAT DIN SERYOSOHIN...
DAHIL ANG ILANG ISLA NGYON SA ATING BANSA AY KINAKAIN NG KARAGATANG PALALIM NG PALALIM....
KAYA NAMAN SI SYD VASQUEZ AY ATING SUPORTAHAN....
DAHIL SA USAPING ITO MARAMI SYANG NALALAMAN....

Monday, June 7, 2010

ANG MABIBISANG GAMOT AY NASA ATING KALIKASAN, KAYA DAPAT ITONG PANGALAGAAN...


"NASA KALIKASAN ANG LUNAS"




ANO ANG KONEKSYON NG MEDISINA SA KALIKASAN?
KARAMIHAN NG MABIBISANG PANLABAN SA SAKIT AY NASA KALIKASAN...
KAYA NAMAN KAILANGAN NATIN ITONG INGATAN....
DAHIL KUNG HINDI TULUYAN NA TAYONG MAWAWALAN NG LUNAS...


SA MGA KAGUBATAN MINSAN ANG MGA MABIBISANG LUNAS...
KAYA NAMAN ANG MGAKATUTUBO AY DITO NA UMAASA PARA LUMAKAS..
KUNG ATING SUSUMAHIN BAKIT ANG MGA MATATANDA SA PROBINSYA AY UMAABOT SA 100;
DAHILAN DITO HALOS LAHAT NG KANILANG GINAGAMIT AY GALING SA KALIKASAN...


MARAMI TAYONG MAKIKITANG GAMIT SA ATING KALIKASAN;
MGA GAMOT PAGKAIN AT PANG ARAW ARAW NA KAGAMITAN...
KAHIT ANG MGA BANYAGA AY PINAKIKINABANGAN ANG KANILANG KALIKASAN..
DAHIL MAINAM NA ITO'Y PAKINABANGAN NILA KESA MALAPASTANGAN..


KAYA NAMAN SA BUWAN NA ITO NA PINAGDIDIWANG ANG ENVIRONMENT MONTH....
SANA'Y ISIPIN NATIN ANG KAHALAGAHAN NG ATING MAGANDANG KALIKASAN...
DAHIL KUNG ITO'Y ATING PABABAYAAN NG TYULAUYAN...
BAKA KAHIT KAPIRASONG LUNAS AY DI NA NATIN MAHANAP....

Saturday, June 5, 2010

ANG TULANG ITO AY MAGSILBI SANANG PANGMULAT SA ATING GOBYRENO...


"HALAGA NG PUNO"



BUTAS BUTAS NA KABAUNDUKAN AKING NASAKSIHAN...
NAGLULUTANGANG MGA TROSO SA ILOG AY NAGDADATINGAN....
ALAM BA NILA ANG EPEKTO NG GINAGAWA NILA?
MARAHIL HINDI DAHIL DI PA NILA DINANAS ANG MATINDI AT MALAKING BAHA...


HINDI NATIN MASISISI ANG MGA TAONG GUMAWA NITO..
NAPAG-UTUSAN LANG KASI SILA NG MGA NAKAKATAAS DITO...
KUNG WALA LANG SIGURONG MGA NAKAPROTEKTANG MGA MAIMPLUWENSYANG TAO...
DI SILA MAGLALAKAS NG LOOB NA GAWIN ANG BAWAL NA GAWAING ITO...


KUNG ANG GOBYERNO AY MERON LAMANG MATIBAY NA SOLUSYON...
DI SANA NAGKAGANITO ANG TAKBO NG PANAHON...
KUNG TAYO MISMO'Y MAGKAKAROON NG KUSA NA ILLEGAL LOGGING AY MAPUKSA..
HINDI SANA TAYO SINASALANTA NG MATITINDING BAHA.....


HANGGA'T MAY MGA TAONG SUMUSUPORTA SA MAGANDANG KLASE NG TROSO...
HINDING HINDI MATITIGIL ANG PAGPUTOL SA MGA ANTIGONG PUNO...
DAHIL KUNG ANO ANG KAPAL AT TANDA NITO....
GANUN DIN KAMAHAL ANG HALAGA NG MGA TROSO....

PARA SA GAMMA EPSILON INTERNATIONAL HAPPY 46TH ANNIVERSARY MALAPIT NA.....



G.E.I. PARA SA KALIKASAN....."




HINDI LAMANG SILA KAPATIRAN;
KUMIKILOS DIN SILA SA KALIKASAN;
KAYA NAMAN AKO'Y HUMAHANGA SA INYO;
IPAGPATULOY NINYO ANG ADBOKASIYANG ITO....


SALAMAT SA GRUPONG KATULAD NINYO;
KALIKASAN AY SADYANG MAPAPANGALAGAAN NYO;
KAY SIR SYD VASQUEZ ANO PA BANG MASASABI KO;
ISANG MALAKING PAGGALANG AT SALUDO AKO SAYO!!!!!


SA ANNIBERSARYO NG KAPATIRANG G.E.;
ISUSULONG NITO ANG TEMANG "GREEN COUNTRY";
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN ANG KANILANG UUNAHIN;
DAHIL PAG-IBA IBA NG PANAHON AY NAKAKAALARMA NA RIN....


SA MGA BUMUBUO NG GAMMA EPSILON;
NAKIKI-ISA SA INYONG ADBOKASIYA ANG INYONG LINGKOD;
IPAGLABAN NATIN DAPAT ANG ATING KALIKASAN;
DAHIL DITO NANGGAGALING ANG ILAN NATING KABUHAYAN....

Friday, June 4, 2010

ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN....


"ANG CARPENTERO AY SA BAHAY AT ANG ABUGADO AY SA KASO"





ILANG BESES BA NATIN DAPAT IPALIWANAG SA TAO;
ANG BAWAT PUNTO NG USAPING ITO;
KUNG TAYO AY MAGHAHANAP NG EMPLEYADO;
DAPAT MAY KARANASAN ITO SA LARANGAN NG TRABAHO NA TATAHAKIN NITO....


BAKIT BA DI NYO MAKUHA ANG IBIG SABIHIN NG AKING TULA;
KAILANGAN PA BA AKO'Y MAGSALITA NG DERETSAHAN AT MAKASAKIT PA?
KUNG KAYO MAAYOS ANG PAG-IISIP NYO....
BAKIT NYO ITATALAGA ANG TAO SA LARANGAN NA DI NAMAN URI NG KANYANG TRABAHO...


HALIMBAWA NA LANG SA PAGGAWA NG BATAS;
DAPAT JAN AY TAONG MAY ALAM SA GANYANG LANDAS...
NGUNIT ANG HIRAP SA IBANG TAO SA LOOB NG GRUPO...
GUSTO NILANG ITALAGA SA HUSTISYA AY ISANG INHINYERO?


AYOKONG MAGSALITA NG DERETSO SA MGA SINASABI KO;
DAHIL ALAM KO NA MAY PINAG-ARALAN KAYO;
KAYA SA HULING PAYO KO SA INYO....
ITALAGA NYO ANG NARARAPAT SA TRABAHO.....

Thursday, June 3, 2010

SA SUSUNOD NA PANGULO SANA'Y MAPAGTUUNAN NYO NG PANSIN ANG KALIKASAN...


"NANG DAHIL SA KAPABAYAAN BUHAY ANG NAGING KABAYARAN"




PUTOL DITO, PUTOL DOON MGA PUNO SA KAGUBATAN AY NAUUBOS;
DI BA NILA ALAM NA ANG DULOT NITO SA ATIN AY MALAKING UNOS?
BAKIT KO ITO NASABI SAHIL ITO ANG KATOTOHANAN;
PINAPATAY NATIN ANG ATING KALIKASAN....


ILANG MAPINSALANG BAGYO AT BAHA NA BA ANG NAGDAAN?
ILANG BUHAY NA BA ANG NAWALA AT DI PA RIN TAYO NATATAUHAN;
SIGURO SA IBANG MAMABABATAS ITO AY MABABAW NA ISYU;
NGUNIT DI NILA NAKIKITA O PANSIN NA DAHIL SA "CLIMATE CHANGE" KAKAIBANG LAKAS NG MGA BAGYO?


ANG ATING GOBYERNO AY MAYROONG NGANG MGA BATAS;
NGUNIT BAKIT ANG MGA LUMALABAG DITO AY PALAGING NAKAKATAKAS;
MARAHIL MINAMALIIT NILA ANG BATAS NA SILA ANG MISMONG GUMAWA;
NGUNIT WAG NILA ANTAYIN ANG BATAS NG KALIKASAN ANG HUMUSGA!!!!!!


IKA-26 NG SETYEMBRE 2009 ATING BALIKAN;
DELUBYO ANG INABOT NG MARAMING BAYAN;
"FLASH FLOOD" NA LAMPAS TAO ATING NASAKSIHAN;
1000 MAHIGIT NA TAO ANG PUMANAW DAHIL SA ATING KAPABAYAAN......


ITO ANG ISA SA DAPAT PAGTUUNAN NG ATING GOBYERNO;
KUNG PAANO MAIIWASANG MAULIT ANG TRAHEDYA NA ITO;
DAHIL KUNG ITO AY IPAGWAWALANG BAHALA AT PABABAYAAN;
LIBO LIBONG PAMILYA ANG MAGLULUKSA ULIT AT MAAPEKTUHAN.......

Wednesday, June 2, 2010



" NOYNOY AT YELLOW ARMY KAYO ANG INSPIRASYON KO"



SIMULA NG MAGDEKLARA AKO NG SUPORTA....
TALENTO KO SA PAGSUSULAT AY LALONG NAHASA...
SALAMAT SA INYO YELLOW ARMY AT PANGULONG AQUINO.....
DAHIL KAYO ANG NUMERO UNONG INSPIRASYON KO...


SA BAWAT ARAW NA AKING NA-IISIP....
IBA'T IBANG SALITA ANG AT PANGUNGUSAP ANG NA-UUKIT;
SA BAWAT SANDALI NA AKO'Y MAIIDLIP;
PAGSUSULAT NG TULA ANG LAMAN NG PANAGINIP....



BUONG PUSO AKONG NAGPAPASALAMAT SA AKING MGA KAIBIGAN...
SA LAHAT NG AKING LABAN AKO'Y INYONG SINUPORTAHAN...
SA MGA NANGYARING ITO KAYO ANG INSPIRASYON KO...
AT SA KABIGUAN KO NAGING SANDALAN KO KAYO....



SA DASAL AT SUPORTA AKO AY NAPANATAG...
SA BAWAT HIRAP AT LUHA PUSO KO'Y NAGING MATATAG...
ANG ISA PANG INSPIRASYON KO AY ANG ATING PANGULO.....
NA SYANG MAGDADALA NG TUNAY NAPAGBABAGO


"BENIGNO"

BILIN NG AMA INGATAN ANG BAYAN AT PAMILYA;
EHMPLO SA BUHAY TURO NG MAGULANG NYA;
NGAYONG NALUKLOK SA PINAKA MATAAS NA PWESTO;
IKAW ANG PAG-ASA NG BAWAT PILIPINO..

GALING SA SIMPLE AT MARANGAL NA PAMILYA;
NINAIS SUNDAN ANG YAPAK NG MAGULANG NYA;
ORAS ANG PAGBABAGO SYA ANG MAY DALA NITO;
BENIGNO "NOYNOY" AQUINO YAN ANG ATING PANGULO...

TATLONG HENERASYON IPINASA ANG PANAGALANG ITO;
BENIGNO AQUINO IPAGMAMALAKI NG BAWAT PILIPINO;
MALINIS NA PAMAMALAKAD YAN ANG TATAK AQUINO;
LAHAT NG KURAP BILANG NA ANG ARAW NYO....


SA TULONG NG DIYOS AT MAMAYAN;
SI NOYNOY AQUINO AY NAHALAL;
UUNLAD NA ANG ATING MAHAL NA BAYAN;
DASAL NAMIN IKA'Y PATNUBAYAN;


ANIM NA TAON PANUNUNGKULAN;
NOYNOY DI KA NAMIN IIWANAN;
BUONG PUSO KONG ISISIGAW SA BUONG MUNDO;
MAY PAG-ASA NG UMUNLAD ANG MGA PILIPINO!!!

ATING IPAGMALAKI SA APAT NA SULOK NG DAIGDIG;
ANG PAG-IBIG NATIN SA BAYAN ANG NANAIG;
PILIPINAS NGAYO'Y MAY MALAKING PAGBABAGO;
DALA YAN NG AMING PANGULONG SI BENIGNO "NOYNOY" AQUINO!!!